Yeah, blurry yung second pic. Sayang. But anyway, Cheska and Ella were there! Awesome, 2nd time na nilang umattend ng life group. The 1st time was in Robinsons Tacloban with Kuya Marc. Hahaha, sa Dunkin' Donuts pa yun. I really hope na makashift sila dito para tuloy-tuloy ang ligaya. Whut. May dalawang girls din, yung nasa rightmost. Omg, I forgot their names but they were really nice. Herbie (leftmost) was there too! Classmate ko siya sa Phy71.1 last sem and ngayon lang kami nagka-usap.
Ayun, Ate Karen shared about the H in the SHAPE series. The HEART. Ayun, about the 3 things that determines your heart:
- what you say
- what you feel
- what you do
Itong mga 'to, sila magsasabi kung ano nasa loob ng puso mo. Kahit gaano mo itago yan, lalabas at lalabas at marereflect yan kung ano ba talaga yung desires mo, yung hurts mo, etc. And yung 3 E's na magsasabing OK ang puso mo!
- enthusiasm: lagi kang excited, yung tipong paggising mo sa umaga, masaya ka kasi may gagawin kang okay na okay sa puso mo at hindi yung tipong napipilitan ka lang gawin
- effectiveness: syempre, pag okay ang puso mo at sinusunod mo ang desire mo, magiging epektibo ka sa lahat ng ginagawa mo
- excellence: pag excited ka at effective ka sa ginagawa mo, hindi mo talaga maiiwasang maging excellent...sabi pa nga, "Natural yan!" ;-)
In the heart, there's a lot of blood. Hahaha joke. I mean, in the heart, diyan nilagay at inembed ni Lord yung desires at dreams mo. Each heart, unique ang tunog ng heartbeat which reflects the uniqueness na inukit ni Lord sa pagkatao mo and each man dwell's a unique desire that only he/she can fulfill. Yun yung destiny mo, kung ano nasa puso mo. Kaya pag ginagawa mo yung totoong desire mo, may sense of achievement and satisfaction. Kahit mahirap, masarap lumaban. Kaya check your heart. Guard your heart, for it is the wellspring of life. God bless!