Tuesday, November 15, 2011

11.15.11

Kahapon po ito.
  Sobrang lakas ng ulan, at dahil naiwan ko ang aking payong sa UPFI last Sunday service, I had to buy a new umbrella so I went to the shopping center. Nagtitipid ako e, so naghanap ako ng mura. Yung SOBRANG mura. Nakahanap ako. P80.00 lang, at siya yung tipong masisira na ng ambon. Pero dinale ko na, mali-late na ako sa PE.
  Ayun, lecture lang naman about sa camping. Medyo inantok ako. 8am pa lang kasi, at umuulan so conducive for learning talaga. Yess.
  Nag-physics71 sa NIP. Ang aga kong pumunta dun e, so nakapwesto ako sa gitna na seat, 3rd row from the front. Natuto naman, at feeling ko, nakasagot sa quiz sa end part ng lec.
 Chem17lec na, so I had to go to the chem. pav. On my way there, nakita ako ni Girro, so sabay na kaming pumasok. At tabi kami ng seats, medyo huli na kasing dumating sina Reza and Ka. Ayun, nag-lec ng Thermochem. Naintindihan ko naman, at nakasagot rin sa examples. Medyo malabo lang talaga yung prof namin, medyo magulo magturo. At pag nagsusulat siya sa chalkboard, laging napuputol yung chalk niya. So andami ng chalk sa floor. Tumatawa na lang kami ng katabi ko. After that, we went to IC-BG na for chem17lab. Sabay ulit kami ni Girro, umuna kasi sina Karina. Ansaya niya palang kausap no? Pinakanta ko siya ng Forevermore (LSS ko, kasi kinanta niya last time sa lab) at anganda talaga ng boses niya. Ang deep. Sa'n niya hinuhugot yun? Anyway, ayun nag-lab kami. No. I mean, nagquiz kami ng chem16 topics. Shux, ang habaaaa. Medyo nasagutan ko yung first part pero biglang lumitaw yung isang problem na may V^3+. Hindi ko talaga alam na may element na ganyan. Swear. So, yung nilagay ko is VO^3+. Ayun, di ko na mabalance yung redox kasi yung electrons na idadagdag, both nasa right ng half reactions. Mali na. After mag-discuss ng mga bagay-bagay about sa quiz, di pa ako masaya by this time kasi may Math53 pa ako from 4:00-5:15. E umuulan nga diba? Conducive for learning ulit. May Math53 rin pala si Girro, so sabay ulit kaming pumunta ng MB. Medyo early kasi kaming dinismiss sa lab, kaya tumambay muna kami sa labas ng rooms namin. 302 siya, 328 (dating 301) ako. Nag-kwentuhan. Ang astig lang kasi hindi siya malabong kausap. I mean, alam mo yun? Btw, kaka-enc lang niyaaa!!! Grabe, sobrang tuwa ko lang. Ilang buwan ko rin yung pinagdasal. Natupad na! Sabay sila ni Mark Biong. ANG BAIT NI LORD. Nag-math53 na kami. One-sided limits. Since wala talaga akong magandang background sa topic na ito kasi hindi ko siya masyadong naabsorb nung Math5, e medyo malabo yung reabsorption ko ng limits. Pero medyo gets ko naman. Andilim na ng kapaligiran nung dinismiss kami sa math. Umuulan pa rin.
  Dun ko lang naalala na hindi pa pala ako kumakain at umiinom sa araw na iyon. Isang cheese sandwich lang ang laman ng tiyan ko, at nakaya kong mag-physics, chem at math. No break. Dun ko lang narealize na magcocollapse na ang sistema ko, pero nung umuwi ako ng Kalay, hindi ako nag-Ikot. Naglakad lang ako. Yess. Sobrang bilis na paglalakad. Pagdating ng room, NATULOG. Di na ako nakapag-cell. Paggising ko, 9:44pm na. Kumain ng noodles at biscuits. Nagreview ng physics. Nagnotes sa math. Mga 2am na natulog.

Ang aking Tuesday. :D

No comments:

Post a Comment