So eto na. Dahil hindi masikmura ng aking konsyensya na hindi tapusin ang continuation ng post na "Usapang New Year" e kahit busy ako e tatapusin ko pa rin.
Hindi ako nagcecelebrate masyado ng New Year at medyo hate ko ang celebration na ito dahil inatake ang Mom ko nung New Year's eve ng 2007-2008. 1st year high school pa lang ako nun,12 y.o. , walang kaalam-alam sa mundo. My mom was so busy preparing yummy meals and desserts. Tapos all of a sudden, she had a heart attack. Ambilis ng mga pangyayari. We rushed to the hospital. My Dad was kinda drunk that time so medyo wala siya sa normal niyang pag-iisip at dahil unica hija ako, nanghingi ako ng tulong sa mga kapitbahay namin. Nakapunta kami ng 3 hospitals before ma-settle yung Mom ko. Nung nasa hospital na siya, and when I have to go back home to get some of her stuff, food and some cash, syempre New Year's eve so habang sakay ako ng tricycle, andami ng paputok sa mga streets. Ansasaya nila samantalang ako, I couldn't even smile back then. After 10 days of hope and pain, God took her away. The most disastrous, most painful, darkest moment of my life. My whole life turned 180 degrees. Everything changed. Everything.
So hindi ako excited sa New Year celebrations. They are not relevant.
No comments:
Post a Comment