Thursday, February 2, 2012

02.02.12

Nakakatuwa.
Hindi iyon planado.

     Pagkatapos ng Math53 ko, mga 5:30pm na yun, naglakad ako papuntang IC-BG para kunin yung Phy71 paper na supposedly iiwan ni Princess dun and while I was on my way, nakita ko dun sa may ampitheater ang dalawang batang lalake na nakaupo lang. Bigla akong napaisip. "I-inverted bridge ko kaya?" Pero parang natakot ako, kasi mag-isa lang ako tas di pa ako nakakadevo. So dumiretso ako sa IC-BG. Wala dawng iniwan na papel dun. Napaisip ulit ako. "Sige, kung andun pa yung mga lalake, magshi-share na talaga ako." Dahan-dahan akong naglakad. Sumulyap. Parang wala na sila. But I didn't feel a sense of relief, mas naburden ako so I continued walking towards their direction, and there they were, still seated on the exact same spot. So I approached them.

John Dave Nacario, 13
Alfie Alarcon, 18

     These were their names. They are from Balara National High School. Si Dave, medyo talkative. Nagrerespond lagi. Open. Si Alfie naman, medyo tahimik pero umiimik naman paminsan-minsan. I shared the inverted bridge. I just kept on telling them how God loves them and that they are still on their way to their destiny and how they should not give up on their dreams (Dave-engineer, Alfie-seaman) because God was the one who put that desire in their hearts. Medyo nahirapan ako kasi pag nag-eenglish ako, di nila naiintindihan kaya kailangan kong i-translate lahat sa Filipino. Di ko nga alam if I still made sense pero sabi nila na naiintindihan naman daw nila. Ayos yun.
     
      I prayed for them tapos nag-altar call ako. Positive response. Good. :))
     
     I invited them sa Life Party. Sabi nila hindi sila pwede kasi kailangan makauwi na sila before 7pm. So I invited them sa Sunday service na lang. Nag-deal kaming mag-meet sa Sunken this Sunday. Tapos inimbita ko silang mag-meryenda, libre ko. We walked to AS stalls. While we were on our way, I learned more about them. Binubugbog sila ng Tatay nila pag may nagawa silang mali. May back-subject sila, ang Math. Si Dave ay ipinanganak noong Nov. 8, 1998 at si Alfie naman ay noong Jan. 22, 1994. Nangangalakal sila sa loob ng UP pag walang pasok, nangogolekta sila ng mga plastic bottles. May tatlong kapatid si Dave at siya ang panganay, at may limang kapatid si Alfie. Construction workers ang mga tatay nila. At marami pang iba.

     Pagkatapos kumain e nagpaalam na ako kasi late na ako sa LP at gumagabi na.

Ansarap sa pakiramdam. :>

No comments:

Post a Comment