Friday, February 24, 2012

Tingala ka.




These past few days, sobrang biglang nahiligan kong tumingala.

WHUT I mean, tumingala nga. Ansarap titigan ng view sa taas. Yung mga branches ng mga puno, yung sky mismo, yung mga ibon…pati mga electric wires, lahat maganda. Hahaha, at pag pinagsama-sama mo pa sila, ayun, photogenic na. :) Hindi naman sa pangit ang normal view lang, na may mga tao at buildings at streets at jeeps at kung anu-ano pa pero kakaiba talaga kasi ang view sa taas e. Kasi pag tumingala ka, dun mo marerealize na sa mundo, may constant.

Yes, people are busy. Lahat naglalakad, tumatakbo, sumasakay ng jeep, nagski-skateboard, nagbibike, o kung anu-ano pa. Yung iba may kausap, yung iba keri ng mag-isa. Yung iba nagccram, yung iba walang pake o petiks lang pag may exam. Lahat may ginagawa. Lahat nagbabago. Kaya pag tumingin ka sa “normal view” lang, pag ipikit mo mga mata mo at tumingin ulit, tiyak na iba na ulit ang view. Maaaring yung taong kaharap mo kanina, wala na. Yung Ikot na jeep na nakaparada lang, dumaan na. Yung akala mo dyan lang lagi, naglaho na lang bigla. Pero once na tumingala ka, pareho lang makikita mo e. Andyan pa rin yung mga sanga ng mga puno, yung mga ulap, yung mga ibon… Maaaring nag-iba ng hugis yung ulap o biglang dumami yung mga ibon o kumonti yung dahon sa isang sanga (kung binibilang mo man), pero yung point ko is when you look up in the sky, you’ll be reminded that in this world that we’re living in where everything seems to change so fast, you’ll suddenly find yourself looking for that something that simply can cease the fast motion that is trying to rule your daily living, something that may not be constant but unchanging. It is only when you look up that you will realize na hindi naman talaga kailangang “busy” ka para masabi mong parte ka ng mundo. Hindi kailangang makisabay lagi sa mundong ginagalawan mo. Tumingala ka lang, ayun o, si Hesus, walang sawa at walang tigil na nagmamahal sa’yo. Yan, hinding-hindi yan magbabago.



No comments:

Post a Comment